UP swak sa world top university

Napanatili ng University of the Philippines ang kanilang pwesto sa Times Higher Education (THE) World University Rankings 2021.

The post UP swak sa world top university first appeared on Abante.

up swak sa world top university - UP swak sa world top university
abante up - UP swak sa world top university

Napanatili ng University of the Philippines ang kanilang pwesto sa Times Higher Education (THE) World University Rankings 2021.

Sa pangalawang sunod na taon, kabilang ang UP sa 401-500 bracket sa 1,500 unibersidad sa buong mundo na pasok sa taunang ranking na nilabas nitong Miyerkoles.

Kabilang sa mga improvement ng UP ay ang academic reputation at international faculty ratio, ayon sa THE.

Samantala, nanatili din sa 1001+ bracket ang De La Salle University, na sabi ng THE ay luminang ng mga lider sa larangan ng ‘business, public service, education, science and technology, and the arts.’

Sinusuri ng Times Higher Education ang mga university sa bawat sulok ng mundo batay sa mga performance indicator sa larangan ng teaching, research, knowledge transfer, at international outlook.

Samantala, una pa rin sa rankings ang University of Oxford sa panlimang sunod na taon. (Shernielyn dela Cruz)

The post UP swak sa world top university first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *