UP student cum laude kahit lagare sa 6 trabaho

Nagtapos na cum laude ang isang University of the Philippines student kahit na may anim itong magkaka­ibang trabaho sa kolehiyo.

The post UP student cum laude kahit lagare sa 6 trabaho appeared first on Abante News Online.

up student cum laude kahit lagare sa 6 trabaho - UP student cum laude kahit lagare sa 6 trabaho
leo 1 - UP student cum laude kahit lagare sa 6 trabaho

Nagtapos na cum laude ang isang University of the Philippines student kahit na may anim itong magkaka­ibang trabaho sa kolehiyo.

Ibinahagi ni Leo Jaminola sa kanyang Facebook post na nagtrabaho ito bilang encoder, transcriptionist, library student assistant, tutor, writer,­ at vendor sa limang taon niyang pananatili sa kolehiyo.

Inalala rin ni Jaminola ang mga panahon noong ito ay nasa Mindoro kung saan ay naglalaro siya malapit sa mga estero at gumagawa ng bahay-bahayan na gawa sa tarpaulin.

“These were everyday scenes in my community, a community where most members grapple with the eve­ryday reality of poverty. My family was part of this struggling community,” ayon pa kay Jaminola.

Sinabi rin ni Jaminola na bahagi siya ng lipunan na walang sariling bahay, walang pambayad ng kur­yente at hirap iraos ang pang-araw-araw na pangangailangan.

“Juggling jobs, academics, and organizational involvement was not an easy feat. While my classmates were busy preparing for exams, I was coming home from tutoring sessions ,” paglalarawan pa ni Jaminola ng kanyang buhay.
Si Leo ay isang Political Science major.

The post UP student cum laude kahit lagare sa 6 trabaho appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *