UP pasok sa 100 the best sa Asya

PASOK ang Unibersidad ng Pilipinas o UP sa 100 pinakamahuhusay na pamantasan sa buong Asya.

The post UP pasok sa 100 the best sa Asya appeared first on Abante News Online.

up pasok sa 100 the best sa asya - UP pasok sa 100 the best sa Asya
UP 3 - UP pasok sa 100 the best sa Asya

PASOK ang Unibersidad ng Pilipinas o UP sa 100 pinakamahuhusay na pamantasan sa buong Asya.

Batay sa Asian university rankings ng London-based Times Higher Education nitong Mayo 1, 2019 ay naipako ito sa ika-95 puwesto bukod pa sa ikaapat na puwesto naman ito sa Timog Silangang Asya.

Sa unang pagkakataon ay naihilera ang UP sa top 100 ng naturang ranking.
Mula sa puwestong ika–156 noong nakaraang taon, 61 na puwesto ang itinalon nito sa huling tala mula sa 400 na pamantasan sa Asya.

“UP soared 61 places from its 156th position in 2018 to sit in the upper 23 percent of 417 universities from 27 countries for 2019. It is one of only five universities from Southeast Asia in the top 100, with two from Singapore and the other two from Malaysia. UP remains the highest ranked university from the Philippines,” ayon sa opisyal na pahayag ng pamunuan ng UP.

Batay naman sa ranking sa buong daigdig ay nasa top 600 ang UP sa 2019 THE World University rankings, mula sa 601-800 bracket noong 2018 at 801-1,000 bracket noong 2017.

The post UP pasok sa 100 the best sa Asya appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *