UP lantern parade kanselado

Tigil muna ang parada ng mga naglalakihang mga parol sa University of the Philippines-Diliman ngayong Disyembre.

The post UP lantern parade kanselado first appeared on Abante.

up lantern parade kanselado - UP lantern parade kanselado
abante up 3 - UP lantern parade kanselado

Tigil muna ang parada ng mga naglalakihang mga parol sa University of the Philippines-Diliman ngayong Disyembre.

Ayon sa Office of the Vice Chancellor for Community Affairs (OVCCA) ng UPD sa isang memo noong Disyembre 10, na papalitan ang taunang UP Lantern Parade ng isang simpleng programa para pagnilayan ang mga naranasan ng mga Pinoy ngayong 2020.

“Gaganapin sa Biyernes, 18 Disyembre 2020, ika-6 n.g., sa Quezon Hall, ang payak na programa upang gunitain at pagnilayan ang kabuuan ng 2020 kung saan naranasan natin ang pagputok ng Bulkang Taal noong Enero, ang pandemya mula Marso, at ang pananalasa ng mga mapaminsalang bagyo nitong Nobyembre,” sabi ng OVCCA sa memo na pinost sa Facebook page nito.

“Ito ay kapalit ng taunang Parada ng mga Parol,” dagdag pa.

Sa Lantern Parade, masasaksihan ang yaring parol ng iba’t ibang kolehiyo at tanggapan sa pamantasan. (Shernielyn dela Cruz)

The post UP lantern parade kanselado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *