UP kinuripot sa 2020 budget

Bagama’t nakakuha ang University of the Philippines (UP) ng pinakamalaking share sa panukalang P4.1 trillion national budget sa 2020 sa hanay ng 114 state university at college (SUC) ay mababa pa rin ito dahil P15.4 bilyon lamang ang inilaan, mas mababa ng P1.6 bilyon sa 2019 budget.

up kinuripot sa 2020 budget - UP kinuripot sa 2020 budget
ABANTE UP 1 - UP kinuripot sa 2020 budget

Bagama’t nakakuha ang University of the Philippines (UP) ng pinakamalaking share sa panukalang P4.1 trillion national budget sa 2020 sa hanay ng 114 state university at college (SUC) ay mababa pa rin ito dahil P15.4 bilyon lamang ang inilaan, mas mababa ng P1.6 bilyon sa 2019 budget.

Mas mababa rin ito sa P16.1 bilyon na ipinagkaloob noong 2018.

Ang UP ay binubuo ng walong constituent university at isang autonomous college na matatagpuan sa 17 campus sa buong bansa.

Samantala ang Department of Education (DepEd) naman ay makakakuha ng P673 bilyon, ang pinakamalaking budget share sa lahat ng department at ahensiya ng gobyerno para sa susunod na taon.

Alinsunod sa panukalang budget ang pondo sa mga SUC ay nasa P68.5 bilyon habang sa Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay P40.8 bilyon at P12 bilyon, ayon sa pagkakasunod.

“Prioritizing access to quality education remains a relevant strategy to reduce inequality, enhance capabilities, and develop competencies,” naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang budget. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *