UP kailangan ng ‘Pinas – Remulla

May open letter si Cavite Governor Jonvic Remulla para kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa banta ng huli na itigil ang pagpondo sa University of the Philippines (UP).

The post UP kailangan ng ‘Pinas – Remulla first appeared on Abante.

up kailangan ng pinas remulla - UP kailangan ng ‘Pinas – Remulla
Remulla - UP kailangan ng ‘Pinas – Remulla

May open letter si Cavite Governor Jonvic Remulla para kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa banta ng huli na itigil ang pagpondo sa University of the Philippines (UP).

Sa Facebook ngayong Biyernes, pinunto ng gobernador na “diehard UP family” ang mga Remulla gayong karamihan sa kanila ay nag-aral at nagtapos sa UP.

Nilista rin niya ang mga kapwa-politiko na produkto ng UP, kabilang diumano si Senador Imee Marcos. Nauna nang nilinaw ni UP executive vice president Teodoro Herbosa na hindi grumaduate at hindi nagka-degree sa UP si Marcos, at kumuha lang ito ng mga kurso sa pamantasan.

Wika ni Remulla, ang UP ang isa sa mga balwarte ng critical thinking at liberalismo sa bansa at sa mundo.

Ang ganda aniya ng unibersidad ay ang pagsasama-sama nito ng great minds at paghubog sa kanila ng nag-aalab na kagustuhan para mapabuti ang lipunan.

Kaya naman kailangan aniya ng Pilipinas ang UP, sa parehong paraan na kailangan ng pamantasan ang bansa.

“I believe that UP produces the BEST and the BRIGHTEST. It also produces the most radical, the most “woke” and the most creative. It remains one of the few bastions of critical thinking and liberalism not just in the country, but in the world,” sambit ni Remulla sa open letter kay Duterte.

“That said, the Philippines needs UP. UP also needs the Philippines.”

“I am forever indebted to the University of the Philippines. The institution made me a better person. It made me want a better Philippines,” dagdag niya.

Matatandaang nagbanta ang Pangulo na kung ipagpapatuloy ng mga estudyanteng Pinoy ang kanilang academic strike laban sa umano’y kapabayaan ng gobyerno sa mga sakuna at sa pandemyang COVID-19, ititigil nito ang pagpondo sa UP.

Binanatan ni Duterte ang mga taga-UP kahit hindi sila ang nagpasimula sa kampanyang mass academic strike, kundi mga mag-aaral ng Ateneo de Manila University. Sumunod na lang ang mga estudyante sa ibang mga pamantasan. (SDC)

The post UP kailangan ng ‘Pinas – Remulla first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *