UP expert: NCR `di pa puwede sa MGCQ

Wala pang balak ang mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) na irekomenda ang pagpapalit ng quarantine status ng National Capital Region (NCR) sa modified general community quarantine (MGCQ).

The post UP expert: NCR `di pa puwede sa MGCQ first appeared on Abante.

up expert ncr di pa puwede sa mgcq - UP expert: NCR `di pa puwede sa MGCQ
abante ncr 1 - UP expert: NCR `di pa puwede sa MGCQ

Wala pang balak ang mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) na irekomenda ang pagpapalit ng quarantine status ng National Capital Region (NCR) sa modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon kay Prof. Guido David ng UP-OCTA research team, kinakailangan na obserbahan muna ng mabuti para matiyak na hindi magkakaroon ng biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 infection kapag inilagay sa mas maluwag na quarantine protocol ang Metro Manila.

“Sa ngayon, hindi pa natin mare-recommend ‘yan kasi puno pa rin ang mga hospitals natin eh. The moment na mag-MGCQ tayo baka mangyaring tulad dati noong nag-GCQ tayo,” ayon kay David.

Sinabi ng UP-OCTA research team expert na dapat munang obserbahan ang Metro Manila at mga karatig lalawigan sa epekto ng general community quarantine (GCQ) matapos ang 15 araw na MECQ mula Agosto 4 hanggang 18.

Sabi pa ng UP-OCTA, naging eoektibo naman ang MECQ sa NCR at iba pang karatig lugar dahil bumaba ang kaso ng COVID-19 infection. (Juliet de Loza-Cudia)

The post UP expert: NCR `di pa puwede sa MGCQ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *