Unli term para lang sa mga tamad na Politiko

risa-hontiveros

PINITIK ni Senador Risa Hontiveros ang mga kongresistang bumubuhay ng charter change (Chacha) para maisulong ang unlimited term ng mga mambabatas.

The post Unli term para lang sa mga tamad na Politiko appeared first on Abante News Online.

unli term para lang sa mga tamad na politiko - Unli term para lang sa mga tamad na Politiko
risa hontiveros - Unli term para lang sa mga tamad na Politiko

PINITIK ni Senador Risa Hontiveros ang mga kongresistang bumubuhay ng charter change (Chacha) para maisulong ang unlimited term ng mga mambabatas.

Walang binanggit na pangalan si Hontiveros pero nitong nagdaang araw ay inilawit ni presumptive House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagtanggal ng term limit sa mga kongresista.

Sa pakikipag-usap ni Cayetano sa mga piling miyembro ng Kamara noong Hulyo 10, sinabi niya na masyadong maiksi ang tatlong taon na termino sa mga kongresista kaya gusto niyang gawin itong apat na taon at walang term limit.

“You are elected in May. You take office in June. ‘Yung six months you’re still getting organized. Kung kalaban mo nakaupo, ubos na ‘yung pondo. ‘Di ba? Nag-e-explain ka pa sa tao bakit hindi mo nade-deliver lahat?” katuwiran pa ni Cayetano.

Ayon naman kay Hontiveros, sa tatlong taon na paninilbihan niya sa Senado ay 13 panukalang batas na kanyang iniakda ang naging ganap na batas.

Ilan sa binanggit nito ay ang Expanded Maternity Leave, Anti-hospital deposit, Mental Health at Safe Spaces Act.

Subalit ang mas nakakabilib aniya ay sina Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Pasig City Mayor Vico Sotto na halos dalawang linggo pa lang nasa serbisyo ay marami nang nagawa para sa ikabubuti ng kanilang nasasakupan.

“Mayors Isko and Vico, in their first few weeks in office, have done a lot,” ani Hontiveros.

“Wala ‘yan sa term extension. Kung magtatrabaho ka, marami kang magagawa,” diin ng senadora.

Matatandaang pati na si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ay bilib din kay Domagoso dahil ito ang patunay na hindi kailangan ang Chacha.

The post Unli term para lang sa mga tamad na Politiko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *