Undas online sa pandemya

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na dumalo sa misa, sa simbahan man o online ngayong Nobyembre 1 at 2 dahil sarado naman ang mga sementaryo dahil sa pandemya.

The post Undas online sa pandemya first appeared on Abante.

undas online sa pandemya - Undas online sa pandemya
undas - Undas online sa pandemya

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na dumalo sa misa, sa simbahan man o online ngayong Nobyembre 1 at 2 dahil sarado naman ang mga sementaryo dahil sa pandemya.

Sa isang panayam sinabi ni CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, na bukas ang mga simbahan sa sinumang nais na magdasal para sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay, patuloy rin umano ang sinasagawang online mass para sa mga nais naman na manatili sa kanilang bahay. Inilunsad din ang Undas online na maghahatid ng mga misa, reflection, at virtual cemetery, at maaari rin umano na magsindi ng kandila sa platform na ito para naman sa mga panalangin.

Maaari naman umano na bumisita sa mga sementeryo anumang araw, ang mahalaga ay maipagdasal ang kaluluwa ng mga namayapa. Ito’y para na rin umano sumunod sa direktiba ng pamahalaan pinasara ang lahat ng mga sementeryo sa bansa simula noong Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

The post Undas online sa pandemya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *