Una na kayo! Duterte, mga gabinete atras sa pabakuna

Taliwas sa naunang pahayag, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya , kasama ang ilang miyembro ng gabinete ang huling magpapaturok ng COVID vaccine kapag may maiwang sobra sa mga prayoridad na mabakunahan.

The post Una na kayo! Duterte, mga gabinete atras sa pabakuna first appeared on Abante.

una na kayo duterte mga gabinete atras sa pabakuna - Una na kayo! Duterte, mga gabinete atras sa pabakuna
abante duterte 2 4 - Una na kayo! Duterte, mga gabinete atras sa pabakuna

Taliwas sa naunang pahayag, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya , kasama ang ilang miyembro ng gabinete ang huling magpapaturok ng COVID vaccine kapag may maiwang sobra sa mga prayoridad na mabakunahan.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na uunahin munang bakunahan ang mga mahihirap na sektor, mga medical frontliners, mga sundalo at pulis .

” Mauna talaga yung pobre, yung wala talaga. Kung milyon ‘yan magsabay-sabay na kayo, huli kami. Kung may maiwan para sa amin kay Bong, kay Lorenzana, kung may maiwan eh di para sa atin, unahin natin sila,” anang Pangulo.

Matatandaang noong Agosto ng nakalipas na taon ay inihayag ng Pangulo na siya ang unang magpapaturok para wala ng satsat, isang araw matapos ianunsiyo ng Russia ang kanilang Sputnik V vaccine.

Sinabi ng Pangulo na bukod sa health workers ay kasama rin sa prayoridad ng unang mabigyan ng COVID vaccine ang mga guro, social workers, iba pang manggagawa ng gobyerno na nasa agrikultura, food and tourism.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na walang pipiliin sa mga bibigyan ng bakuna, subalit kailangang unahin ang mga pinaka-mahihirap at walang wala na mga Pilipino.

Para naman sa mga ayaw magpabakuna, hindi aniya pipilitin ang mga ito at mas mainam dahil makakabawas ito sa mga bibilhing bakuna ng gobyerno.

“Kung merong mga tao na ayaw eh di mas mabuti, mauna na yung gusto and we can tone down the orders kung sobra-sobra. Pero kung maaari lang, i-vaccinate mo yung 100 million plus Filipinos,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)

The post Una na kayo! Duterte, mga gabinete atras sa pabakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *