Umpisa pa lang ito ng paglilinis ko sa Maynila – Isko

HINDI ningas kogon at pakitang gilas lamang ang ginagawang pag­lilinis at pagsasaayos ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

The post Umpisa pa lang ito ng paglilinis ko sa Maynila – Isko appeared first on Abante News Online.

umpisa pa lang ito ng paglilinis ko sa maynila isko - Umpisa pa lang ito ng paglilinis ko sa Maynila – Isko
abante Isko 1 - Umpisa pa lang ito ng paglilinis ko sa Maynila – Isko

HINDI ningas kogon at pakitang gilas lamang ang ginagawang pag­lilinis at pagsasaayos ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Ito ang tiniyak ni Domagoso matapos ang komendasyon ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año
sa ipinakita nitong goodwill sa ginagawa niyang paglilinis sa Maynila.
Sinabi ni Domagoso na nagsisimula pa lamang siya dahil napakarami pang problema ng lungsod ang kailangan niyang ayusin at pagtuunan ng pansin.
“We’re just beginning. This is just the tip of the iceberg,” babala pa ng alkalde. “Wala pa ‘yan, napakarami pa pong problema ng Maynila.”

Una nang punuri si Domagoso sa kanyang kasipagan nang pangunahan mismo ang pagsasagawa ng clearing operations sa Divisoria, Binondo at Quiapo, at paggampan sa iba pa niyang mga tungkulin.

Inamin naman ni Domagoso na ang pinakamatinding hamon na kanyang kakaharapin ay ang pagmamantine ng mga proyekto at programang kanyang napasimulan nang ipatupad.

Gayunman, tiniyak ng alkalde gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maging posible ang mga tila imposibleng bagay na hindi nagawa ng mga dating punong lungsod.

“It seems impossible, but the question now is: Can we sustain it? That’s the seemingly impossible job, but we can make the impossible now possible,” ani Domagoso.

“Ito ang deal ko sa inyo: Kapag nabalik ang Recto, Juan Luna, So­ler at Blumentritt sa kanilang dating chaotic situation, the way you saw it before, huwag na kayo maghinala, isipin niyo na nagkapera ako,” hamon pa ng alkalde.

Tiniyak rin ng alkalde sa mga Manileños na hindi siya titigil at hindi mapapagod ang kanyang administrasyon sa paglilinis ng mga komunidad sa kanyang nasasakupan.

“I will never get tired of asking for help to clean up our streets. Don’t think na ngayon lang iyan. Non-negotiable (ang ating policies). Ang nangyari sa Blumentritt, Carriedo, Soler, Juan Luna-Tondo, ilan pa lang iyan,” wika pa ng alkalde. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Umpisa pa lang ito ng paglilinis ko sa Maynila – Isko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *