Umiwas sa aso, rider tigok sa aksidente

Dahil sa pag-iwas sa aso, todas ang isang 56-anyos na lalaki matapos humampas ang kanyang motorsiklo sa gate ng kapilya sa bayan ng Sto Niño, Cagayan noong Sabado nang madaling-araw.

umiwas sa aso rider tigok sa aksidente - Umiwas sa aso, rider tigok sa aksidente
accident 11 - Umiwas sa aso, rider tigok sa aksidente

Dahil sa pag-iwas sa aso, todas ang isang 56-anyos na lalaki matapos humampas ang kanyang motorsiklo sa gate ng kapilya sa bayan ng Sto Niño, Cagayan noong Sabado nang madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Santiago dela Cruz, isang matadero ng Barangay Lattac ng nasabing bayan.

Ayon kay Sto Niño Police Station (SNPS) commander P/Capt. Ranulfo Gabatin, naganap ang insidente sa nasabing barangay habang papauwi ang biktima matapos magdala ng karne sa Barangay Lubo.

Sinabi ni Gabatin, habang tumatakbo ang biktima gamit ang kanyang motorsiklo, may biglang tumawid na aso sa kanyang harapan kung kaya’t iniwasan niya ito.

Dito nawalan ng kontrol sa manibela si Dela Cruz dahilan upang humampas ito sa bakal na gate ng kapilya at tumama ang kanyang ulo na nagresulta ng pag­labas ng kanyang utak na nagkalat sa pinangyarihan ng insidente.

Sabi ng SNPS, si Dela Cruz umano ay puyat at pagod sa pagkatay ng baboy sa isang burol ng patay sa kanilang lugar.

(Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *