Umento sa ATM fee bantay-sarado ng BSP

Umento sa ATM fee bantay-sarado ng BSP

IGINIIT ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang kapakanan ng mga consumer ang panguna­hing iniisip nito nang inilabas nito ang bagong patakaran tungkol sa mga ATM fees sa kabila ng mga alinlangan na magpapataas lang ito ng fees ng mga bangko.

umento sa atm fee bantay sarado ng bsp - Umento sa ATM fee bantay-sarado ng BSP
tam - Umento sa ATM fee bantay-sarado ng BSP

IGINIIT ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang kapakanan ng mga consumer ang panguna­hing iniisip nito nang inilabas nito ang bagong patakaran tungkol sa mga ATM fees sa kabila ng mga alinlangan na magpapataas lang ito ng fees ng mga bangko.

Sabi ng BSP kahapon, tinutulak ng mga regulasyon nito ang mga bangko na sumunod sa prinsip­yo ng reasonable at market-based pricing pagda­ting sa kanilang ATM operations.

Dagdag pa nito, hindi maaring basta-bastang magtaas lang ng ATM fee ang isang bangko dahil kakailanganin muna nilang maghain ng request sa BSP kung saan kailangan nilang ipaalam ang mga bagong presyo at ang mga cost na nakakabit dito pagdating sa mga ATM activities.

Sabi ng BSP, hindi sapat na sasabihin lang ng mga bangko ito dahil kailangan suportado ito ng datos na maaring balikan at usisiin ng BSP kung kinakailangan.

Sabi ng BSP, hindi maaring magpataw ng fees ang mga bangko dala ng kanilang mga kasunduan sa isa’t isa.

Ang ano mang ATM fees na sinisingil ng mga bangko ay kailangang mas mababa kaysa sa mga fees nito para sa over-the-counter transactions at kailangang sumunod sa principle ng transparency in pricing.

“Rest assured that the BSP shall examine each request and decide if the increase is warranted to cover the cost of maintaining the ATMs. Should an increase be necessary in order for banks to conti­nue providing ATM services to the banking public, the BSP will ensure that the increase will be reasonable and will adhere to pricing principles provided under BSP Circular No. 980,” dagdag nito.

Noon pang 2013 binalak ng mga bangko na magtaas ng 50 percent sa ATM fee pero nagpalabas ng moratorium ang BSP hanggang sa bawiin ito nitong Hulyo 19,2019. Dahil dito, nagbabadyang tumaas ang ATM fee ng P20 hanggang P30 mula sa kasalukuyang P10 hanggang P15 kada interbank withdrawal. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *