Umekstra kay Cardo: Juday nakalimutan na ng mga batang manonood?

Wise move nga raw para kay Judy Ann Santos ang mapabilang sa “Ang Probinsyano” dahil medyo matagal na rin siyang hindi napapanood sa primetime.

The post Umekstra kay Cardo: Juday nakalimutan na ng mga batang manonood? appeared first on Abante News Online.

umekstra kay cardo juday nakalimutan na ng mga batang manonood - Umekstra kay Cardo: Juday nakalimutan na ng mga batang manonood?
abante Judy Ann Santos - Umekstra kay Cardo: Juday nakalimutan na ng mga batang manonood?

abante ambuzz ambet nabus 336x224 - Umekstra kay Cardo: Juday nakalimutan na ng mga batang manonood?Wise move nga raw para kay Judy Ann Santos ang mapabilang sa “Ang Probinsyano” dahil medyo matagal na rin siyang hindi napapanood sa primetime.

At dahil siya naman daw ang original teleserye at primetime big star, it’s about time raw na i-introduce nito ang sarili sa mas batang audience ni Coco Martin.

Iba umano ‘yung nasa isang teleserye ka kum­para sa pagiging host ng pambatang show. Mas merong sustainability at mas mataas ang recall ng audience sa iyo.

Hmmmm…ano nga kaya ang dala-dalang putahe ni Juday sa pagpasok ng karakter niya sa series?

***
‘Ang Probinsyano’ nataranta sa hakbang ng PNP

Mukha ngang natataranta na naman ang “Ang Probinsyano” dahil me­ron na naman daw mga usaping pang-PNP na tila hindi nagustuhan ng mga namumuno ng kapulisan sa bansa.

Hindi nagustuhan ng PNP ang projection ng mga babaeng pulis sa series kung saan ni-rape at pinatay ang mga ito.

Dahil dito, tila may pakikipag-usap na namang naitakda ang mga sangkot at nagpapatakbo ng palabas sa pamunuan ng PNP.

***
James ‘di nagselos kina Nadine, Sam

Mabilis ang duetong sagot na “wala” nina Nadine Lustre at Sam Concepcion sa tanong na kung merong dapat pagselosan si James Reid sa mga naging eksena nila sa upcoming movie na “Indak.”

Magkakaibigan daw sila sa totoong buhay at bilang boyfriend daw ay never na nagselos si James sa mga nakakatrabaho ni Nadine.

Kilala nating maga­ling sumayaw si Sam bilang isa siyang theater artist at ‘yun ang isa sa mga dahilan kung bakit mas siya ang piniling maging kapareha ni Nadine kesa kay James na mahusay din namang umindak.

“You have to watch the movie for you to see. Ibang putahe naman ang dance movie na ito and we believe na meron itong sariling audience,” pahayag ng “Indak” director na si Paul Basinillo.

Under Viva Films, showing na ito ngayong August 7 nationwide.

The post Umekstra kay Cardo: Juday nakalimutan na ng mga batang manonood? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *