Ulo ng negosyante binutas sa harap ng asawa

Walang awang pinatay ang isang negos­yante habang kumakain kaharap ang kanyang asawa sa loob ng restaurant sa Lian, Batangas Martes nang hapon.

ulo ng negosyante binutas sa harap ng asawa - Ulo ng negosyante binutas sa harap ng asawa
empleyado baril patay - Ulo ng negosyante binutas sa harap ng asawa

Walang awang pinatay ang isang negos­yante habang kumakain kaharap ang kanyang asawa sa loob ng restaurant sa Lian, Batangas Martes nang hapon.

Kaagad nasawi ang biktimang kinilalang si Florencio Gonzales matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Batay sa report ng Lian police, nasa loob ng Fhe and Len restaurant sa Barangay Ba­libago ang biktima nang pagbabarilin ito ng suspek gamit ang isang maiksing baril dakong ala-1:30 nang hapon.

Mabilis ding tumakas ang suspek na sumakay sa naghihintay sa labas na kulay silver na Toyota Innova van.

Hindi naman nasugatan ang misis ng biktima na kaharap nito sa mesa.

Pinag-aaralan pa ngayon ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa krimen at kung sino ang salarin. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *