UK nagpaalala sa pagsakay sa mga bangka sa PH

INABISUHAN ng United Kingdom ang kanilang mga residente na iwasan muna ang pagsakay sa mga ferry at passenger boat sa Pilipinas.

uk nagpaalala sa pagsakay sa mga bangka sa ph - UK nagpaalala sa pagsakay sa mga bangka sa PH
ABANTE UK - UK nagpaalala sa pagsakay sa mga bangka sa PH

INABISUHAN ng United Kingdom ang kanilang mga residente na iwasan muna ang pagsakay sa mga ferry at passenger boat sa Pilipinas.

Ito ay kasunod ng madugong aksidente sa Iloilo at Guimaras na kumitil ng 31 katao noong nagdaang weekend.

Sa travel advisory na inilabas Lunes nang gabi, nagbabala ang Foreign and Commonwealth Office (FCO) sa pagbiyahe sa mga katubigan ng Pilipinas, partikular sa mga buwan ng Hunyo hanggang Disyembre.

“Avoid travel on ferries and passenger boats if possible, particularly in the rainy season. They are often overloaded, may lack necessary lifesaving equipment or be inadequately maintained and have incomplete passenger manifests,” saad sa advisory.

“Storms can develop quickly and maritime rescue services in the Phi­lippines may be limited.”

Nauna nang nag-abiso sa mga mamamayan ng UK na mag-ingat sa pabiyahe sa kanluran at gitnang bahagi ng Minanao, hindi kasama ang Camiguin, Dinagat at Siargao Island, dahil sa banta ng terorismo sa lugar.

Ito ay ukol sa pambobomba sa isang katedral sa Jolo, Sulu noong Enero na pumatay sa nasa 20 katao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *