Ugnayan sa global media

Abala ngayon si Pangulong Rod­rigo Duterte at buong delegasyon ng Pilipinas na dumadalo sa 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and related Summits sa Bangkok, Thailand.

ugnayan sa global media - Ugnayan sa global media
Mediaman martin andanar 5 - Ugnayan sa global media

Abala ngayon si Pangulong Rod­rigo Duterte at buong delegasyon ng Pilipinas na dumadalo sa 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and related Summits sa Bangkok, Thailand.

Maituturing na taunang big event ang pagpupulong na ito dahil bukod sa mga ASEAN leader, present din ang mga lider ng mga dialogue partner natin tulad ng Japan, China, India, US, at iba pa.

Pero bago pa dumating ang Pangulo, nauna na po ang inyong lingkod sa Bangkok para sa mga aktibidad na dapat daluhan bago ang opisyal na pagsisimula ng ASEAN Summit.

Aktibo po tayo sa pakikipagpulong sa mga kaibigan natin sa international media at nagkaroon din po ako ng tour at panayam sa Bangkok Post na siyang most trusted English-language newspaper sa Thailand.

Mahalaga ang mga ganitong klaseng engagement na inorganisa ng PCOO Office of the Global Media and Public Affairs dahil naipapaabot natin sa international community ang policy messages ng administrasyong Duterte.

Produktibo po ang mga international media engagement natin at natutuwa ako na lumalakas ang ating working relationship sa kanila.

Nagpapasalamat din tayo sa kanila dahil nakiramay sila sa Pilipinas kasunod ng malalakas na lindol sa Mindanao.

Inisa-isa natin ang mga aksiyon at pagtugon na ginagawa ng gobyerno sa mga naapektuhan ng lindol, pati na ang maagap na pag-alalay sa local government units para manumbalik sa normal ang buhay ng mga naapektuhang mamamayan.

Kami sa PCOO, binuhay po namin ang ‘La­ging Handa: Earthquake Update’ para mabatid ng publiko ang ginagawang pagtugon ng gobyerno sa mga ganitong uri ng kalamidad sa pamamagitan ng paggamit ng government media tulad ng PTV, Philippine News Agency, Philippine Broadcasting Service, Bureau of Communications Services, Philippine Information Agency, at Radio Television Malacañang.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng go­vernment media lalo na sa mga panahon ng kalamidad kaya naman aktibo ang communications arm ng gobyerno para mabatid ng mamamayan na kumikilos ang gobyerno.

Hangad natin na magtuloy-tuloy ang ganitong aksiyon hanggang sa susunod na administrasyon para makampante ang isipan at kalooban ng publiko kapag dumara­ting ang mga hindi inaa­sahang unos o kalamidad sa kanilang buhay.
Nais nating pasa­lamatan ang international media dahil na-appreciate o napahalagahan nila ang panayam sa inyong lingkod lalo na sa mga mahalagang isyung may kinalaman sa ating bansa.

Bukod dito, napansin ko rin ang taas ng interes nila sa mga inaasahang agenda ng Pilipinas sa ASEAN tulad ng Regional Comprehensive Econo­mic Partnership o RCEP.

Ano po ba ang RCEP? Marahil marami pa rin sa mga kababayan natin ang hindi nakakaalam kung ano ito at kung ano ang magiging pakinabang ng bansa sa usa­ping ito.

Ang RCEP ay ang panukalang free trade agreement na pinag-uusapan ng ASEAN member-states, at mga trading partner nito tulad Australia, New Zealand, Japan, South Korea, China at India.

Kung maisasakatuparan ito sa lalong madaling panahon, ito na ang magiging pinakama­laking free trade agreement at makikinabang dito ang halos kalahati ng world population.

Inaasahang dadami ang papasok na mamumuhunan at trabaho sa Pilipinas habang makikipagsabayan naman ang mga produktong Pinoy sa pandaigdigang merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *