UE palalayasin ni Isko ‘pag sumuway ulit sa class suspension

NAGBANTA si Manila Mayo­r Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na ire-revoke niya ang permit ng University of the East (UE) na pag-aari ng bilyonaryong si Lucio Tan kapag patuloy na hindi sumunod sa mga advisory kaugnay sa suspension ng klase.

The post UE palalayasin ni Isko ‘pag sumuway ulit sa class suspension appeared first on Abante News Online.

ue palalayasin ni isko pag sumuway ulit sa class suspension - UE palalayasin ni Isko ‘pag sumuway ulit sa class suspension
isko 10 - UE palalayasin ni Isko ‘pag sumuway ulit sa class suspension

NAGBANTA si Manila Mayo­r Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na ire-revoke niya ang permit ng University of the East (UE) na pag-aari ng bilyonaryong si Lucio Tan kapag patuloy na hindi sumunod sa mga advisory kaugnay sa suspension ng klase.

Ang pahayag ay ginawa ni Moreno matapos na hindi sumunod ang UE sa ipinalabas na suspension ng klase ni Moreno na ipinatupad alas-12:00 nang tanghali matapos na magpalabas ng advisory ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services (Pagasa) ng yellow rainfall warning.

Ayon kay Moreno, kung ayaw sumunod ng UE sa kautusan ng lokal na pamahalan ay maaaring umalis ng Maynila ang naturang unibersidad.

“University of the East, ‘wag matigas ulo niyo ah. Nagdeklara na kami ng suspensyon ng klase. Ngayon, kung ayaw niyong sumusod, umalis kayo sa lungsod ng Maynila. We will withdraw your permit to operate in the City of Manila,” sabi ni Moreno matapos makatanggap ng reklamo na sinuspinde lamang ng UE ang klase hanggang Grade 12.

Una nang iniutos ni Moreno ang suspensyon ng kalse sa lahat ng level ng pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila.

“We are only after sa kaligtasan ng mga estudyante dahil ang mga magulang ay nag-aalala. Nothing more, nothing less,” dagdag pa ng alkalde.

Nang makarating sa pamunuan ng UE ang babala ni Moreno, kaagad namang nagsuspinde ng klase ang UE sa lahat ng level sa kanilang branch sa Maynila pati na sa Caloocan.

Kasabay nito, umapela si Moreno na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news sa lungsod makaraang mabiktima siya nito sa kanyang unang araw na panu­nungkulan.

Unang kumalat na sinuspinde na umano niya ang klase ng mga estudyante mula sa pampubliko at pribadong eskuwelahan sa lahat ng level sa Maynila at maging ang pasok ng mga empleyado.

Sanhi nito, nakatakda namang maghain ng reklamo ang alkalde sa pamunuan ng mga social media outlet.

“Isantabi niyo na po ‘yung politika eh nakakaawa naman po ‘yung taumbayan kaya kung pupuwede huwag niyo nang gagawin ‘yun and as much as possible pero ‘yun we will file complaint against Facebook or we will forward it to Facebook or other social media outlets this type of accounts na walang representasyon ng opisyal ng siyudad ng Maynila,” wika ni Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)

The post UE palalayasin ni Isko ‘pag sumuway ulit sa class suspension appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *