‘Twitter killer’ ng Japan bibitayin

Nahatulan na ng pagbitay ang tinaguriang ‘Twitter killer’ ng Japan matapos itong umamin sa pagpaslang sa siyam na tao noong 2017.

The post ‘Twitter killer’ ng Japan bibitayin first appeared on Abante.

twitter killer ng japan bibitayin - ‘Twitter killer’ ng Japan bibitayin
abante twitter killer - ‘Twitter killer’ ng Japan bibitayin

Nahatulan na ng pagbitay ang tinaguriang ‘Twitter killer’ ng Japan matapos itong umamin sa pagpaslang sa siyam na tao noong 2017.

Naaresto si Takahiro Shiraishi noong October 2017 dahil sa pagpatay, rape, at pagkatay sa kanyang mga biktima sa loob mismo ng kanyang apartment sa Kanagawa prefecture.

Nahuli si Shiraishi nang halughugin ang kanyang bahay matapos na makabit ang pangalan sa pagkawala ng isang 23-anyos na babae na nag-post ng suicide note sa social media, partikular sa Twitter.

Kinokontak ni Shiraishi ang sinumang gustong magpakamatay, at ineengayo na pumunta sa kanya para tulungan ang mga ito na magpatiwakal.

Sa apartment ng suspek, nakita ang tatlong cooler box at limang lalagyan, na nang buksan ay may laman na pugot na ulo ng kanyang mga nabiktima, pati na rin ang mga buto ng tao.

Aabot sa siyam ang napaslang ni Shiraishi, walo dito ay babae na edad 15 hanggang 26.

Paliwanag ng serial killer, nagawa niya ito para makapagparaos. (RP)

The post ‘Twitter killer’ ng Japan bibitayin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *