TV gamitin sa blended learning – Gatchalian

Bagama’t mas maraming mag-aaral ang gumagamit ng self-learning modules (SLMs) para sa distance learning, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mas malawakang paggamit ng telebisyon lalo na sa pagtuturo ng mahihirap o komplikadong mga aralin.

The post TV gamitin sa blended learning – Gatchalian first appeared on Abante.

tv gamitin sa blended learning gatchalian - TV gamitin sa blended learning – Gatchalian
abante win - TV gamitin sa blended learning – Gatchalian

Bagama’t mas maraming mag-aaral ang gumagamit ng self-learning modules (SLMs) para sa distance learning, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mas malawakang paggamit ng telebisyon lalo na sa pagtuturo ng mahihirap o komplikadong mga aralin.

Sa kanyang pag-iikot sa ilang mga bahay sa Valenzuela noong nagbukas ang klase, napansin ng senador ang ilang aralin sa mga SLMs na komplikado at kailangan ng paggabay ng isang guro.

Isang halimbawa na dito ay ang Math subject na ginagamitan ng tahasang pagko-compute.

Sabi ni Gatchalian, makakatulong nang malaki ang paggamit ng video kung saan mas naipapaliwanag nang maigi ng guro ang tamang sagot sa tanong.

“Dito papasok ang telebisyon o kaya ay radyo. Dahil may napapanood na video sa TV, mas madali sa mga bata na masundan o matutunan ang leksiyon,” pahayag pa ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.(Dindo Matining)

The post TV gamitin sa blended learning – Gatchalian first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *