Tutok sa COVID kahit binagyo: DOH bilib sa Marikina LGU

Pinuri ng Department of Health (DOH) ang ginagawa ng Marikina local government unit (LGU) sa kanilang mga evacuation center.

The post Tutok sa COVID kahit binagyo: DOH bilib sa Marikina LGU first appeared on Abante.

tutok sa covid kahit binagyo doh bilib sa marikina lgu - Tutok sa COVID kahit binagyo: DOH bilib sa Marikina LGU
Vergeire - Tutok sa COVID kahit binagyo: DOH bilib sa Marikina LGU

RP

Pinuri ng Department of Health (DOH) ang ginagawa ng Marikina local government unit (LGU) sa kanilang mga evacuation center.

Ito’y matapos na ma-isolate agad ang isang evacuee na nagpositibo sa COVID-19 sa Barangka Elementary School.

“Kaya nga nung sya ay nagkaroon ng paghirap sa paghinga eto po ay agad agad nakita ng local safety officer natin dyan sa Marikina at dinala nila sa ating ospital na malapit where he was tested,” lahad ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

“Actually ang ginawa ng Marikina is something of a good practice kasi immediately in-isolate nila kinuha yung tao dinala sa appropriate facility, pina-test,” aniya pa.

Dagdag din ni Vergeire, lahat ng close contact ng COVID-19 positive ay sumailalim na rin sa swab test, kung saan nagnegatibo ang mga ito.

Isa ang Marikina sa malubhang tinamaan ng bagyong Ulysses kung saan umapaw ang Marikina River ng abot sa 21.9 meter.

The post Tutok sa COVID kahit binagyo: DOH bilib sa Marikina LGU first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *