Turkish tiklo sa pamamaril sa Netherlands

Isang lalaki ang inaresto matapos ang ginawang pamamaril sa Utrect, Netherlands na ikinamatay ng tatlong katao at pagkasugat na lima.

The post Turkish tiklo sa pamamaril sa Netherlands appeared first on Abante News Online.

turkish tiklo sa pamamaril sa netherlands - Turkish tiklo sa pamamaril sa Netherlands
abante Gokmen Tanis - Turkish tiklo sa pamamaril sa Netherlands

Isang lalaki ang inaresto matapos ang ginawang pamamaril sa Utrect, Netherlands na ikinamatay ng tatlong katao at pagkasugat na lima.

Nakilala ang suspek na si Gokmen Tanis, 37-an­yos, na ipinanganak sa Turkey. Nasakote siya sa isang gusali na tatlong kilometro ang layo mula sa lugar kung saan siya namaril.

Nahuli si Tanis ilang oras matapos ang kanyang pamamaril at dahil na rin sa isinagawang city-wide manhunt ng mga awtoridad.

Inalerto naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy dahil sa pamamaril sa Tram Station sa Netherlands.

Ayon sa DFA, wala namang Pinoy na nadamay sa insidente base sa ulat na natanggap mula sa Philippine Embassy.

Kaugnay nito nagpaabot ng pakikiramay ang DFA pamahalaan ng The Netherlands at pamil­ya ng mga namatay at nanalangin ng maagang paggaling ng mga nasuga­tan. 

The post Turkish tiklo sa pamamaril sa Netherlands appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *