Tulay sa Taiwan gumuho, 5 Pinoy sugatan

LIMANG Pilipino ang sugatan sa gumuhong towering arch bridge sa Taiwan nitong Martes.

tulay sa taiwan gumuho 5 pinoy sugatan - Tulay sa Taiwan gumuho, 5 Pinoy sugatan
taiwan 1 - Tulay sa Taiwan gumuho, 5 Pinoy sugatan

LIMANG Pilipino ang sugatan sa gumuhong towering arch bridge sa Taiwan nitong Martes.

Ayon sa Taiwan News report, nasa anim ang malubhang nasugatan habang siyam ang nahulog sa dagat, pito pa lang sa mga ito ang na-rescue.

Nadaganan din ng Taiwan bridge ang mga bangkang pangisda kung saan pinangangambahang na-trap ang ilang crew nito.

Nagdulot din umano ng apoy ang insidente matapos mahulog ang isang oil tanker truck sa mga bangka sa Nanfangao.

Samantala, iniimbestigahan pa ang sanhi ng pag-collapse ng tulay dakong alas-9:30 nang umaga.

Ang 460 talampakang Nanfangao Bridge ay isang tou­rist attraction sa Yilan.

Binuksan ito noong 1998 para ipalit sa lower bridge na nakakahadlang sa mga large fishing vessels na makadaan sa ilalim nito. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *