Tulak timbuwang sa drug ops, ka-live in dinakma

TUMIMBUWANG ang isang tricycle driver na umano’y drug pu­sher nang tangkain nitong man­laban sa mga pulis habang nadakip naman ang kanyang kinakasama sa ikinasang buy-bust operation kamakalawa nang hapon sa Valenzuela City.

The post Tulak timbuwang sa drug ops, ka-live in dinakma appeared first on Abante News Online.

tulak timbuwang sa drug ops ka live in dinakma - Tulak timbuwang sa drug ops, ka-live in dinakma
abante crime1 - Tulak timbuwang sa drug ops, ka-live in dinakma

TUMIMBUWANG ang isang tricycle driver na umano’y drug pu­sher nang tangkain nitong man­laban sa mga pulis habang nadakip naman ang kanyang kinakasama sa ikinasang buy-bust operation kamakalawa nang hapon sa Valenzuela City.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela City Medical Center (VCMC) si Oliver Pabaya, 37-an­yos, tricycle driver, naninirahan sa No. 353 Dulong Tangke St., Barangay Malinta matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos ang putukan, nadakip ang kinakasama ng suspek na si Ma. Cristina San Miguel, 30, na kasama sa transaksiyon.

Kuwento ni P/Major Jowie­louie Bilaro, head ng Station Drug Enforcement Unit, alas-4:30 nang hapon nang ikasa nila ang buy-bust operation.

Isa sa mga pulis ang nagkunwaring iiskor ng shabu kay Pabaya ngunit nang maramdaman ng suspek na pulis ang kaharap ay binunot ang dalang caliber .38 subalit bago pa man maiputok ni Pabaya ang baril ay naputukan na ito ng mga kasama ni Major Bilaro.

“Wala tayong magagawa kundi ang unahan siya, kesa naman sa malagay ang buhay ng mga pulis natin,” sani ni Major Bilaro.

Nakuha sa crime scene ang isang caliber .38 na may serial No. 125796 na may apat na bala at pag-aari ng napatay.

Kinasuhan naman ng Violation of RA 9165 ang live-in partner ni Pabaya. (Orlan Linde)

The post Tulak timbuwang sa drug ops, ka-live in dinakma appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *