Tulak nakipagratratan sa mga pulis-Valenzuela, todas

TUMIMBUWANG sa semento hanggang sa bawian ng buhay isang drug pusher matapos makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation habang nakatakas naman ang kasama nito sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

The post Tulak nakipagratratan sa mga pulis-Valenzuela, todas appeared first on Abante News Online.

tulak nakipagratratan sa mga pulis valenzuela todas - Tulak nakipagratratan sa mga pulis-Valenzuela, todas
patay 6 - Tulak nakipagratratan sa mga pulis-Valenzuela, todas

TUMIMBUWANG sa semento hanggang sa bawian ng buhay isang drug pusher matapos makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation habang nakatakas naman ang kasama nito sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay Valenzuela Police Chief P/ Col. David Nicolas Poklay, dakong alas-11:55 nang gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni P/Cpt. Segundino Bulan Jr., kontra kay Jessie Cabigas nasa hustong gulang at sa kanyang kasama na si Alfredo Yumol sa Dulong Tangke St. Brgy. Malinta.

Nagawang makaiskor ni PCpl Reggie Dellosa na umaktong poseur-buyer ng isang sachet ng shabu kay Cabigas kapalit ng P200 marked money at nang magbigay ng signal ang pulis na nagkaabutan na agad lumusob ang back-up na mga operatiba.

Gayunman, nang mapansin ni Cabigas ang papalapit na mga operatiba ay naglabas ito ng baril at pinaputukan ang pulis subalit hindi tinamaan kaya’t napilitang gumanti ng putok ang mga pulis hanggang tamaan sa katawan ang suspek. (Orlan Linde)

The post Tulak nakipagratratan sa mga pulis-Valenzuela, todas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *