Tulak na pulis nasakote sa buy-bust

Nasakote ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang pulis sa ikinasang buy-bust operation Miyerkoles nang hapon sa Muntinlupa City.

tulak na pulis nasakote sa buy bust - Tulak na pulis nasakote sa buy-bust
kulong - Tulak na pulis nasakote sa buy-bust

Nasakote ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang pulis sa ikinasang buy-bust operation Miyerkoles nang hapon sa Muntinlupa City.

Hindi na nakapalag ang suspek na nakilalang si Police Staff Sgt. Raphael Aves Justo, makaraang pagbentahan nito ng P2,000 halaga ng shabu ang isang police poseur buyer.

Ikinasa ang operasyon ng mga awtoridad bandang alas-2:15 sa Barrio Karunungan, Poblacion ng nasabing lungsod dahil sa mga sumbong na kanilang natatanggap kaugnay sa lantaran umanong pagkakasangkot ng suspek na pulis sa bentahan at paggamit ng iligal na droga at hulidap sa kanilang lugar.

Si Justo ay kasaluku­yang nakatalaga sa OPPRMD-RPHAS, NCRPO at makailang ulit nang nasuspinde sa tungkulin kung saan ang pinakahuli ay ang 41araw na suspension mula Agosto 30, 2019 hanggang Oktubre 09, 2019 na ipinag-utos ng NCRPO.

Nabatid pa sa report na naaktuhan din sa video ang suspek na sumisinghot ng shabu sa dalawang magkahiwalay na okasyon sa kanyang bahay na ginawang drug den kasama ang kanyang mga kliyente sa droga na karamihan ay pa­wang kabataang babae.

Narekober sa nadakip na pulis ang ginamit na P2,000 na marked money at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nasa kostudiya ngayon ng PNP-IMEG ang suspek para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon habang inihahanda ang kasong administratibo at kriminal na kanyang kakaharapin.(Edwin Balasa/Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *