Tulak buwis buhay sa ₱120K shabu

Patay ang isang drug personality matapos umanong manlaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Lumban, Laguna Miyerkoles nang gabi.

tulak buwis buhay sa e282b1120k shabu - Tulak buwis buhay sa ₱120K shabu
patay 2 - Tulak buwis buhay sa ₱120K shabu

Patay ang isang drug personality matapos umanong manlaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Lumban, Laguna Miyerkoles nang gabi.

Kinilala ng Lumban Police ang napatay na si Reynante Coralde na agad nasawi sa pinangyarihan ng insidente sa Barangay Bagong Silang alas-10:40 nang gabi.

Nabawi kay Coralde ang 22 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P120,000 at isang kalib­re .45 baril.

Labindalawa sa mga pakete ay nakuha sa sling bag na dala ng suspek samantalang ang 10 ay nabitawan nito at kumalat sa kalsada.

Ayon sa pulisya, bumunot ito ng baril at pinaputukan ang operatiba matapos mahalata na pulis ang katransaksyon.

Gumanti naman ng putok ang mga backup na pulis at nasapul ang suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *