Tugon sa pandemya itama ngayong MECQ

Hindi umano deserve ng mga medical frontliner na masabon sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Senador Nancy Binay.

tugon sa pandemya itama ngayong mecq - Tugon sa pandemya itama ngayong MECQ
Nancy Binay - Tugon sa pandemya itama ngayong MECQ

Hindi umano deserve ng mga medical frontliner na masabon sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Senador Nancy Binay.

Bagama’t welcome kay Binay ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa modified enhance community quarantine ang Metro Manila at iba pang lalawigan, hindi naman aniya dapat buskahan ang mga health workers dahil hindi naman aniya sila kaaway ng goberyno.

“Pagdating nga dun sa pag-castigate niya dun sa mga health workers natin, sana lang ‘wag nating tignan na kaaway sila,” pahayag ni Binay sa ABS-CBN News Channel.

“For me, our health workers didn’t deserve that kind of lashing,” dagdag pa nito.

Panawagan pa ni Binay sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) dapat gamitin ng task force ang dalawang linggong lockdown para itama at pagandahin ang kanilang tugon sa pandemya. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *