Tugade atras sa bawas distancing

KUMAMBIYO ang Department of Transportation (DoTR) sa naunang desisyong pagluluwag sa distansya ng mga pasahero sa pampublikong sasakyan.

The post Tugade atras sa bawas distancing first appeared on Abante.

tugade atras sa bawas distancing - Tugade atras sa bawas distancing
Arthur Tugade - Tugade atras sa bawas distancing

KUMAMBIYO ang Department of Transportation (DoTR) sa naunang desisyong pagluluwag sa distansya ng mga pasahero sa pampublikong sasakyan.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque matapos ang pulong ng Inter Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) kaugnay sa ipinatupad na bawas distansiya ng DOTr epektibo nitong Setyembre 14 kung saan ay ginawang 0.75 meter ang layo ng mga pasahero sa isa’t isa mula sa dating isang metro na dapat ay susundan ng mas maiksing distansiya sa mga susunod na linggo.

Ani Roque, sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na pansamantalang isususpendi ang 0.75 meter physical distancing at ibabalik sa 1 meter.

“Balik 1 meter muna tayo sa physical distancing sa pampublikong transportasyon habang wala pang desisyon ang presidente kung ito nga po ay pwedeng maibaba sa 0.75,” bahagi ng pahayag ni Roque.

Paliwanag ni Roque pag-aralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hakbang ng DOTR matapos na makatanggap ng ulat na marami ang tumututol sa pagbabawas ng social distancing layo na walang katiyakan kung ligtas ba ito.

Ang pagbabawas sa physical distancing limit ay bababa pa ng 0.5 meters matapos ang dalawang lingo at 0.3 meters pagkatapos ng ikalawang linggong pagkakaroon ng distansya.

Nabatid na ilang medical experts at government officials ang tutol sa bagong polisya ng ng DOTr na kung saan posible umano ang hawaan kapag masyadong malapit ang distansya lalo na sa mga pampublikong sasakyan na hindi naman maiiwasan na magkaroon ng dikitan.

Maging ang Metro Manila Council ay umalma sa aksyon ng DOTr dahil hindi umano sila naabisuhan.

Ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, hindi nabigyan ng pagkakataon ang mga Metro mayors na ipaalam sa kanila ang planong pagbabawas ng distansya na dapat sana ay idaan mula sa konsultasyon sa pagitan ng MMC.

Sinabi pa nito na hindi rin sapat ang pagsusuot ng face mask at face shield dahil mas kailangan ang sapat na distansya. Kailangan umanong pag-aralang mabuti ng mga health experts ang tama na ang 0.75 meter at hindi nila pinapaboran ang 0.5. at 0.3 meter na masasabing tinututulan ng 17 alkalde. (Mia Billones /Vick Aquino)

The post Tugade atras sa bawas distancing first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *