Tubig sa 2 barangay sa Calamba, poliovirus positive

Dalawang barangay sa Calamba City Laguna ang apektado ngayon sa usaping pangkalusugan matapos na magpositibo umano sa poliovirus ang daluyan ng tubig na pumapagitna sa mga ito.

tubig sa 2 barangay sa calamba poliovirus positive - Tubig sa 2 barangay sa Calamba, poliovirus positive
h2o - Tubig sa 2 barangay sa Calamba, poliovirus positive

Dalawang barangay sa Calamba City Laguna ang apektado ngayon sa usaping pangkalusugan matapos na magpositibo umano sa poliovirus ang daluyan ng tubig na pumapagitna sa mga ito.

Sa ulat ay sinasabing ang daloy ng tubig sa gitna ng Barangay Bucal at Barangay Halang, Calamba City, Laguna ay positibo sa poliovirus base na rin sa isinagawang pag-aaral ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Dahil dito’y nanawagan ng ibayong pag-iingat ang Sangguniang Barangay ng Bucal sa mga residente sa lugar, base na rin sa pahayag nila sa kanilang Facebook page.

“Kami po ay humihingi sa inyo ng lubos na pakikiisa na huwag munang bumaba (lumusong) o pumunta sa nasabing lugar para makaiwas sa anumang ikasasama sa kalusugan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *