Tubig ni Villar ‘di ligtas – COA

SINITA ng Commission on Audit (COA) ang kawalan ng Water Safety Plan (WSP) ng Joint Venture ng Primewater Infrastructure Corp. at ng state-owned Marilao Water District sa Bulacan.

The post Tubig ni Villar ‘di ligtas – COA appeared first on Abante News Online.

tubig ni villar di ligtas coa - Tubig ni Villar ‘di ligtas – COA
COA - Tubig ni Villar ‘di ligtas – COA

SINITA ng Commission on Audit (COA) ang kawalan ng Water Safety Plan (WSP) ng Joint Venture ng Primewater Infrastructure Corp. at ng state-owned Marilao Water District sa Bulacan.

Sa 2018 audit report, nagbabala ang COA na posibleng malagay sa balag ng alanganin ang kaligtasan ang kalusugan ng mga consumer ng tubig dahil sa kawalan ng WSP.

“Without the WSP, the quality of the water produced/provided by it’s JV partner to concessionaires may not promote public health, safety and welfare,” ayon sa report.

Taong 2017 lumagda sa water supply and septage management system ang Primewater ng bilyonaryong si Manny Villar, sa Marilao Water District at nagsimula sila ng operasyon noong Enero 2018.

Sa unang taon ng operasyon ng Primewater at Marilao, lugi agad sila ng P50 milyon dahil 6.2 milyong cubic meters ng tubig ang nilabas pero 3.9 milyong cubic meters lamang ang nasingil.

Ilan lamang ito sa sangkatutak na kinuwestyon ng COA sa JV ng Primewater at Marilao.

Binanggit din sa report na binayaran dapat ng Primewater ang P6.852 mil­yong halaga ng ‘bolted tank ground reservoir’ dahil sa ilalim ng JV agreement, ito ang responsible sa finance at operations ng Marilao district.

Hindi rin umano pina-insure ng Prime Water sa Government Service Insurance System (GSIS) ang property na isang malinaw na paglabag sa alituntunin ng COA.

Sa ilalim ng JV agreement, nangako ang Prime Water na sasagutin ang insu­rance na nagkakahalaga ng P36.4 milyon.

Sa naturang COA report, nangako na ang management na aaksyunan ang mga puna sa kanilang operasyon.

The post Tubig ni Villar ‘di ligtas – COA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *