Tsuper nadaganan ng truck dedo

TODAS ang isang driver matapos bumulusok at mahulog ang minaneho nitong elf truck sa Balacbac Road, Camp 7, Baguio City kamakalawa.

tsuper nadaganan ng truck dedo - Tsuper nadaganan ng truck dedo
patay 6 - Tsuper nadaganan ng truck dedo

TODAS ang isang driver matapos bumulusok at mahulog ang minaneho nitong elf truck sa Balacbac Road, Camp 7, Baguio City kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Laurence Centino, 24, ng La Union.

Batay sa report ng Baguio City Police Station (BCPS), nagmamaneho umano ang biktima kasama ang pahinante nang biglang humina ang preno nito.

Dahil dito, sinabihan ni Centino ang kanyang pahinante na bumaba ito upang lagyan ng kalso ang gulong ng truck.

Sa pagbaba ng pahinante, nagdausdos ang truck at nahulog sa tulay na malapit sa bangin­g bahagi ng Balacbac Road.

Ayon sa BCPS, hindi nakalabas ang driver at tuluyang nadaganan ang ng truck na tumama pa sa riprap ng kalsada.

Gumamit pa ng crane ang mga rescue team upang buhatin ang nakadagang truck sa biktima na puno ng tiles. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *