Tsipipay! Inquirer binigwasan Rappler

Sa halip na magparamdam ng simpatiya sa mga nalulugmok ngayon dala ng krisis sa COVID-19 pandemic, kasamaan at kagaspangan pa umano ng ugali ang umiral sa pamunuan ng online news site na Rappler matapos nitong hambalusin at gawing “pulutan” sa kanilang balita ang bumabagsak umanong operasyon ng isa sa mga nangungunang broadsheet sa bansa na Philippine Daily Inquirer (PDI).

The post Tsipipay! Inquirer binigwasan Rappler first appeared on Abante.

tsipipay inquirer binigwasan rappler - Tsipipay! Inquirer binigwasan Rappler
Inquirer - Tsipipay! Inquirer binigwasan Rappler

Sa halip na magparamdam ng simpatiya sa mga nalulugmok ngayon dala ng krisis sa COVID-19 pandemic, kasamaan at kagaspangan pa umano ng ugali ang umiral sa pamunuan ng online news site na Rappler matapos nitong hambalusin at gawing “pulutan” sa kanilang balita ang bumabagsak umanong operasyon ng isa sa mga nangungunang broadsheet sa bansa na Philippine Daily Inquirer (PDI).

Sa kolum kahapon sa PDI na may titulong “No one’s throwing in the towel”, sinabi ni Rosario A. Garcellano na nakakapag-alala ang ulat ng Rappler sa sitwasyon ng PDI, kabilang dito ang inalok na volunteer retirement program ng management sa kanilang mga empleyado bilang bahagi ng pagbabawas sa kanilang gastusin.

Kilala aniya ang kredibilidad ng PDI sa paghahatid ng mga balita kaya’t tiyak na ikalulungkot at ikababahala ng tumatangkilik dito ang artikulo ng Rappler.

Bagamat detalyado ang ulat pati na ang petsa ng pagpapalabas ng memo at bilang ng mga maapektuhang empleyado, sinabi ni Garcellano na magaspang at masamang pag-uugali ang pagkalkal at pagsasapubliko ng Rappler sa mga confidential na usapin ng PDI.

Kumpara sa PDI na kinikilala sa sektor ng pagbabalita dahil sa kredibilidad at integridad, binabatikos at kinukutya naman umano ang Rappler dahil sa mga inilalathala nitong fake news at malisyosong artikulo, partikular laban sa pamahalaan.

Giit pa ni Garcellano, hindi pagwaldas ng pondo sa public health care ang isyu sa PDI kundi sa mga ginagawa nitong hakbang para magpatuloy pa sa sektor ng pagbabalita ngayong pandemya.

Sa katunayan ay walang uuwing luhaan sa mga nabawas na empleyado dahil maayos na naipamahagi ang kanilang mga bonus at benepisyo.

Bukod sa PDI, ilang pahagayan din naman aniya ang nagbawas ng mga empleyado dulot ng COVID-19 pandemic gayundin ang paghahari ng mga digital platform na gumigiba sa print media.

Samantala, sa kabila ng dinaranas na krisis, sinabi ng reporter ng PDI na si Marinel Cruz na hindi sila nalulugmok sa kalungkutan at patuloy silang magkakaisa at lalaban para makabangon.

Minsan na rin aniya silang nadapa dahil sa ad boycot nung panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada pero muli silang nakatayo dahil sa pagkakaisa at suporta ng publiko.

Kumbinsido naman ang mga supporter ng PDI na pilit itong ibinabagsak ng Rappler dahil naghahanap lang ng ito damay sa sinapit nilang eskandalo sa pagkaka-convict ng korte sa dati nitong editor in chief na si Maria Ressa dahil sa isang malisyosong artikulo. (Mia Billones)

The post Tsipipay! Inquirer binigwasan Rappler first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *