Trump umatungal sa abante ni Biden

Humiling ng recount ang kampo ni US President Donald Trump sa nangyaring bilangan ng boto sa state ng Wisconsin, kung saan ayon sa isang news agency ay panalo ang kanyang katunggali na si Joe Biden.

The post Trump umatungal sa abante ni Biden first appeared on Abante.

trump umatungal sa abante ni biden - Trump umatungal sa abante ni Biden
abante donald trump - Trump umatungal sa abante ni Biden

Humiling ng recount ang kampo ni US President Donald Trump sa nangyaring bilangan ng boto sa state ng Wisconsin, kung saan ayon sa isang news agency ay panalo ang kanyang katunggali na si Joe Biden.

Ayon kay Bill Stepien, campaign manager ni Trump, may mga natanggap silang report ng iregularidad sa naturang state kaya nais na muling bilangin ang mga boto dito.

Kritikal ang Wisconsin para sa dalawang kandidato lalo’t may hawak itong 10 electoral vote na posibleng magdikta kung sino na ang mauupo sa White House.

Depensa naman ni Wisconsin chief election official Meagan Wolfe, metikuloso ang kanilang ginagawang pagbibilang ng mga boto at aniya’y nakaiinsulto umano ang paratang ng kampo ni Trump sa kanilang hanay.

Base sa tala ng isang news agency, lamang na si Biden kontra kay Trump, 264-214, kung saan anim na electoral vote na lang ang kailangan ng dating vice president ni Barack Obama para manalo.

The post Trump umatungal sa abante ni Biden first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *