Trump tumiklop na kay Biden

Tinanggap na ni US President Donald Trump ang kanyang pagkatalo kay President-elect Joe Biden sa naganap na halalan noong Nobyembre.

The post Trump tumiklop na kay Biden first appeared on Abante.

trump tumiklop na kay biden - Trump tumiklop na kay Biden
abante trump biden - Trump tumiklop na kay Biden

Tinanggap na ni US President Donald Trump ang kanyang pagkatalo kay President-elect Joe Biden sa naganap na halalan noong Nobyembre.

Kabilang ito sa mga sinabi ni Trump sa isang video message sa Twitter, ang una niyang tweet matapos siyang suspindehin mula sa nasabing social media platform.

“Now Congress has certified the results. A new administration will be inaugurated on January 20th. My focus now turns to ensuring a smooth, orderly and seamless transition of power,” ani Trump.

“This moment calls for healing and reconciliation,” dagdag niya.

Sa kanya namang makaulit na pagpalag sa resulta ng halalan dahil sa hindi napatunayang election fraud, sinabi niyang ginawa niya lang ‘yun “to ensure the integrity of the vote.”

Kinondena rin ni Trump ang riot at panggugulo na kinasa ng kanyang mga tagasuporta sa US Capitol sa araw na kukumpirmahin na dapat ang pagkapanalo ni Biden.

“America is and must always be a nation of law and order… To those who engage in the acts of violence and destruction, you do not represent our country,” aniya pa.

Bigkas ni Trump, ang paglilingkod sa mga Amerikano bilang pangulo ang tinuturing niyang “the honor of my lifetime.”

The post Trump tumiklop na kay Biden first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *