Trump patatalsikin bago manumpa si Biden

Isang resolusyon ang nakatakdan ihain sa US Congress na humihikayat kay Vice President Mike Pence na igiit ang 25th Amendment para mapatalsik si President Donald Trump, sampung araw bago ang inagurasyon ni President-elect Joe Biden.

The post Trump patatalsikin bago manumpa si Biden first appeared on Abante.

trump patatalsikin bago manumpa si biden - Trump patatalsikin bago manumpa si Biden
abante donald trump 3 - Trump patatalsikin bago manumpa si Biden

Isang resolusyon ang nakatakdan ihain sa US Congress na humihikayat kay Vice President Mike Pence na igiit ang 25th Amendment para mapatalsik si President Donald Trump, sampung araw bago ang inagurasyon ni President-elect Joe Biden.

Kabilang sa resolusyon ang panawagan ng mga mambabatas sa lahat ng gabinete na suportahan ang deklarasyon ng 25th Amendment para isalba ang Amerika sa posibleng gawin ni Trump na ayon sa kanila ay “unstable” at “missing in action” sa COVID-19 pandemic kung saan libo-libong Amerikano ang namamatay araw-araw.

Sa ilalim ng Section 4 ng 25th Amendment ng US Constitution, maaaring i-takeover ng bise presidente ang trabaho ng pangulo kung ito’y wala nang kakayahang patakbuhin pa ang gobyerno.

Nagbanta si US House Speaker Nancy Pelosi na kung hindi igigiit ni Pence ang 25th Amendment ay isasampa nila ang impeachment complaint para sa kasong inciting to insurrection laban kay Trump dahil sa pag-uudyok nito sa kanyang mga tagasuporta na lusubin ang US Capitol. (Dave Llavanes Jr.)

The post Trump patatalsikin bago manumpa si Biden first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *