Trump namasyal sa military zone bago nag-meeting kay Kim

Nagkaharap kahapon sina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa Demilitarized Zone sa pagitan ng North at South Korea.

The post Trump namasyal sa military zone bago nag-meeting kay Kim appeared first on Abante News Online.

trump namasyal sa military zone bago nag meeting kay kim - Trump namasyal sa military zone bago nag-meeting kay Kim
trump 2 - Trump namasyal sa military zone bago nag-meeting kay Kim

Nagkaharap kahapon sina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa Demilitarized Zone sa pagitan ng North at South Korea.

Dumating si Trump sa DMZ at sinamahan ito ni South Korean President Moon-Jae-in. Magkasamang hinintay ng dalawa ang pagdating ni Kim na sinamahan naman ng South Korean military members at iba pang opisyal.

Pero bago na ganap ang pulong kay Kim ay naki-pagkita si Trump sa mga militar at nirebyu ang ilang relics mula sa Korean war era.

“We’re with you all the way,” ani Trump sa mga service member na kinabibilangan ng US troops at South Korean na nakatalaga sa South Korea.

Ito ang unang pagkakataon na nagharap sina Trump at Kim matapos ang nabigong pagkikita sa summit sa Hanoi, Vietnam noong Pebrero.

The post Trump namasyal sa military zone bago nag-meeting kay Kim appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *