Trump bilib sa Pinoy na nagsalba sa eroplano

PINURI ni US President­ Donald Trump ang isang Filipino-American matapos­ niyang pigilang bumangga ang isang motorized catering cart sa isang eroplano sa O’Hare Airport sa Chicago.

trump bilib sa pinoy na nagsalba sa eroplano - Trump bilib sa Pinoy na nagsalba sa eroplano
us president - Trump bilib sa Pinoy na nagsalba sa eroplano

PINURI ni US President­ Donald Trump ang isang Filipino-American matapos­ niyang pigilang bumangga ang isang motorized catering cart sa isang eroplano sa O’Hare Airport sa Chicago.

“Great job, just in time,” tweet ni Trump matapos maging viral ang video na in-upload ng pasaherong si Kevin Klauer.

Sa viral video, makikita ang paikot-ikot na catering cart sa tarmac ng naturang airport at isang ground crew ang nagtangka na pigilin ito subalit natumba ng tamaan.

Nabatid na naipit umano ang accelerator ng catering cart kaya nagpaikot-ikot ito sa tabi ng $15 milyong Embraer 145 aircraft ng American Airlines.

Nakaisip ng paraan ang Fil-Am na si Jorge Raymundo Manalang at nang makita niyang malapit nang bumangga sa eroplano ay agad siyang sumakay sa isang tow tractor at binangga ang umiikot na catering cart kaya tumagilid ito at tumigil sa pag-ikot.

Kuwento ni Manalang, ginawa lang niya ang kanyang trabaho at hindi siya nagdalawang-isip lalo na umano at nasa peligro ang buhay ng mga nakasakay sa eroplano pati na ang mga kasamahan niya sa trabaho.

Ayon sa airport, 50 pasahero ng eroplano ang nakaligtas sa ka­pahamakan dahil sa ginawa ni Manalang.

Bumuhos naman ang papuri ng mga netizen sa ginawa ni Manalang, kabilang na dito ang pangulo ng Estados Unidos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *