Truck nawalan ng preno: 9 patay, 8 sugatan

Nasa siyam na katao kabilang ang isang 2-anyos na batang lalaki ang kumpirmadong patay nang mawalan ng preno ang isang truck sa Diversion Road sa Matina Pangi, Davao City Martes nang umaga.

The post Truck nawalan ng preno: 9 patay, 8 sugatan appeared first on Abante News Online.

truck nawalan ng preno 9 patay 8 sugatan - Truck nawalan ng preno: 9 patay, 8 sugatan
abante patay - Truck nawalan ng preno: 9 patay, 8 sugatan

By Issa Santiago

Nasa siyam na katao kabilang ang isang 2-anyos na batang lalaki ang kumpirmadong patay nang mawalan ng preno ang isang truck sa Diversion Road sa Matina Pangi, Davao City Martes nang umaga.

Ayon sa ulat, inararo ng 10-wheeler wing van truck ang ilang kabahayan at apat na sasakyan na naka-park sa tabi ng kalsada dakong alas-9:30 nang umaga.

Huling nakitang buhay ang isang ina kasama ang nasa-bing bata habang nakatayo sa highway, na namatay noon din nang madaganan ng mga sako ng bigas mula sa truck.

Samantala, walong katao naman ang nasaktan sa insidente, dalawa ay nasa kritikal na kondisyon.

Nagmula umano ang truck na may kargang sako-sakong bigas sa Panacan area at mabilis ang takbo patungong Matina area.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Talomo police ang truck driver na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.

The post Truck nawalan ng preno: 9 patay, 8 sugatan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *