Truck ban binalik sa Valenzuela

Muling ipinatupad ng Valenzuela local government unit ang implementasyon ng truck ban bilang solusyon sa pagbigat ng trapiko sa Kapaskuhan.

The post Truck ban binalik sa Valenzuela first appeared on Abante.

truck ban binalik sa valenzuela - Truck ban binalik sa Valenzuela
abante truck ban - Truck ban binalik sa Valenzuela

Muling ipinatupad ng Valenzuela local government unit ang implementasyon ng truck ban bilang solusyon sa pagbigat ng trapiko sa Kapaskuhan.

Sa bisa ng Executive Order No. 2020-315 na ipinalabas ni Mayor Rex Gatchalian, sinimulan nitong Lunes ang pagkakaroon ng truck ban sa mga piling kalsada tulad ng Maysan Road patunong Governor 1 Santiago road papuntang Tatawid Bridge at sa kahabaan ng Karuhatan Road hanggang Gen. T. De Leon.

Itinakda ang mga oras na alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga, at alas-5 ng hapon at hanggang alas-10 ng gabi, hindi kasama ang Linggo at mga holiday, kung saan bawal dumaan sa mga naturang kalsada ang mga malalaking truck gaya ng container van.

Titiketan at pagmumultahin ng mga traffic constable ang sinumang tsuper na susuway sa kautusan at maaring ma-impound pa ang sasakayan.

Pansamantalang inalis ang truck ban at color coding scheme sa Metro Manila, upang huwag tuluyang sumadsad ang ekonomiya na pinabagsak ng COVID-19. (Orlan Linde)

The post Truck ban binalik sa Valenzuela first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *