Tropa ni Cardema sa NYC kinuyog

Binansagang “epal” ng mga netizen si National Youth Commission (NYC) chairperson Ryan Enriquez matapos makita ang billboard nito sa Pasig.

The post Tropa ni Cardema sa NYC kinuyog first appeared on Abante.

tropa ni cardema sa nyc kinuyog - Tropa ni Cardema sa NYC kinuyog
abante ryan 1 1 - Tropa ni Cardema sa NYC kinuyog

Binansagang “epal” ng mga netizen si National Youth Commission (NYC) chairperson Ryan Enriquez matapos makita ang billboard nito sa Pasig.

Pinost ni Facebook user Cliff Barizo Jr. ang larawan kinuhaan niya sa may Ayala Malls (Feliz).

Makikita sa isang billboard ang mga health protocol laban sa COVID-19. Katabi nito ang higanteng mukha at pangalan ni Enriquez, at ang logo ng NYC.

“On a scale of 1-10, gaano ka-epal ang National Youth Commission Chairperson?,” sabi ni Barizo.

Nilakip niya pa ang hashtag na #EnriquezResign.

Sa ngayon, inulan ng “angry” at “haha” reactions ang post tungkol sa NYC head.

“Mas malaki pa kaysa sa infographics 1f92e - Tropa ni Cardema sa NYC kinuyog1f92e - Tropa ni Cardema sa NYC kinuyog1f92e - Tropa ni Cardema sa NYC kinuyog,” sabi ng isang netizen.

“Wag niyo i-judge. Gusto lang naman niya ipakita saan napunta yung Covid funds. #Trapo,” ayon pa sa isa.

Nauna nang pinagre-resign ng Akbayan Youth si Enriquez at NYC commissioner Ronald Cardema dahil sa “excessive spending” ng ahensiya.

Alinsunod ito sa COA report na apat lang sa 12 tinakdang aktibidad ng NYC ang nakumpleto noong 2019, kahit pa 90 porsiyento ng pondo ang nilabas ng ahensiya.

The post Tropa ni Cardema sa NYC kinuyog first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *