Trillanes sumigaw ng harassment sa kasong kidnapping, illegal detention

ITINANGGI ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang alegasyon ng kidnapping at serious illegal detention na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

trillanes sumigaw ng harassment sa kasong kidnapping illegal detention - Trillanes sumigaw ng harassment sa kasong kidnapping, illegal detention
trillanes 1 - Trillanes sumigaw ng harassment sa kasong kidnapping, illegal detention

ITINANGGI ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang alegasyon ng kidnapping at serious illegal detention na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Ayon kay Trillanes, hindi niya personal na nakausap ang diumano’y biktimang si Guillermina Lalci Barrido na may alyas na Guillermina Arcillas.

“Never ko na-meet ‘yan si Guillerma Arcillas or Barrido. Saan ka makakita na pari at madre daw ang kasama ko sa pagkidnap at sa kumbento pa daw siya dinetain. Bukod pa d’yan, 2016 pa raw siya kinidnap pero ngayon lang nag-file ng kaso,” sabi ni Trillanes sa kanyang text message sa mga reporter.

Base sa natanggap niyang impormasyon, nagboluntaryo diumano si Barrido na tumestigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte subalit nang mabutasan sa kanyang mali-maling kuwento, humi­ngi na lang ito ng pera kapalit ng kanyang testimonya.

“Tapos ng hindi nabigyan ng pera, bumaliktad,” saad pa nito, kasabay ng pagsabing noong pang 2017 ay pinabulaanan na niya ang alegasyon ni Barrido.
Ayon kay Trillanes, ang panibagong reklamong inihain sa kanya ay isa na namang harassment.

“Ito na naman ay maliwanag na harassment case at persecution ni Duterte laban sa kanyang mga kritiko,” ayon sa senador.

Nagsampa ang PNP-CIDG na reklamo sa Department of Justice laban kina Trillanes, Fr. Albert Alejo, Atty. Jude Sabio at isang Sister Ling ng Convent of Cannussian Sisters.

Sabi ni Barrido, siya ay ikinulong noong Disyembre 5 hanggang 21 ng 2016.

Siya ay unang ikinulong sa Convent of Cannusian hanggang sa malipat sa Holy Spirit Convent kung saan siya ay pinuwersang lumagda sa ‘ready-made’ affidavit para sirain ang reputasyon ng kasalukuyang administrasyon. (Dindo Matining/Anne Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *