Trillanes, mga kapwa akusado tinaningan sa kidnap case

Binigyan ng sampung araw na palugit ng Department of Justice (DOJ) si dating Senador Antonio Trillanes IV at ang kanyang mga kapwa akusado para maghain ng kanilang kontra salaysay sa reklamong kidnapping at serious illegal detention.

trillanes mga kapwa akusado tinaningan sa kidnap case - Trillanes, mga kapwa akusado tinaningan sa kidnap case
trillanes 2 1 - Trillanes, mga kapwa akusado tinaningan sa kidnap case

Binigyan ng sampung araw na palugit ng Department of Justice (DOJ) si dating Senador Antonio Trillanes IV at ang kanyang mga kapwa akusado para maghain ng kanilang kontra salaysay sa reklamong kidnapping at serious illegal detention.

Dumating si Trillanes sa DOJ kahapon pero humiling ang kampo nito ng karagdagang panahon para maihanda ang kanyang kontra salaysay.

Ayon sa abogado ni Trillanes, noon lamang nakalipas na buwan ng Setyembre nila natanggap ang dokumento ng reklamo kung kaya nais nila ng karagdagang panahon upang maihanda ang kontra salaysay.

Kinontra ito ng abogado ng Philippine National Police-Crimi­nal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at iginiit na delaying tactics ang ginagawa ni Trillanes.

Gayunman, binigyan ng DOJ ng sampung araw ang kampo ni Trillanes at mga kapwa akusado para maghain ng kontra salaysay.

Oras na mabigo umano ang mga ito na maghain ng kanilang salaysay sa Oktubre 22 ay reresolbahin na ang kaso batay sa mga hawak na dokumento ng prosekusyon. ­(Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *