Trillanes isama mo pa! Duterte hinamon si Zarate

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bayan Muna representative Carlos Zarate na mag-usap ng harapan at patunayang hindi ito isang komunista.

The post Trillanes isama mo pa! Duterte hinamon si Zarate first appeared on Abante.

trillanes isama mo pa duterte hinamon si zarate - Trillanes isama mo pa! Duterte hinamon si Zarate
abante duterte 35 - Trillanes isama mo pa! Duterte hinamon si Zarate

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bayan Muna representative Carlos Zarate na mag-usap ng harapan at patunayang hindi ito isang komunista.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na kung tunay na lalaki si Zarate ay harapin siya nito at mag-usap sila .

Tawagan lamang aniya si Senador Bong Go at sabihin kung saan at kailan nito gusto gawin ang ang pag-uusap.

“Mag-usap tayo. Huwag na yang NPA-NPA, komunista, komunista. Lalaki sa lalaki.Tawagan mo si Bong, gusto mo sa bahay mo p, dito o sa Maynila o saan ka nakatira?,” anang Pangulo.

Puwede rin aniyang isama ni Zarate si dating senador Antonio Trillanes III kung husto nito ng bodyguard at uutusan niya ang kanyang security na lumayo sa kanya.

Sinabi ng Presidente na kilala niya lahat ang mga komunista sa bansa pati ang mga lakad ng mga ito kaya bistado ang ginagawang panloloko sa taong bayan.

“Kung lalaki ka tatanggapin mo ang hamon ko. Saan mo gusto tayong magkita? Kung gusto mo bodyguard, isama mo na si . Kasi sabayan ko na ni ug.., ” dagdag ng Pangulo.

Si Trillanes ay isa sa mga matinding kritiko ni Pangulong Duterte.(Aileen Taliping)

The post Trillanes isama mo pa! Duterte hinamon si Zarate first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *