Trillanes ipapakulong pag-alis ng Senado

SA halip na mag-ingay, pinayuhan ng Malacañang si outgoing Senator Antonio Trillanes IV na harapin ang seryosong alegasyon ng pagiging mastermind at pakikipagsabwatan sa ilang politiko sa oposisyon sa umano’y planong pagpapabagsak sa Duterte administration.

The post Trillanes ipapakulong pag-alis ng Senado appeared first on Abante News Online.

trillanes ipapakulong pag alis ng senado - Trillanes ipapakulong pag-alis ng Senado
trillanes 1 - Trillanes ipapakulong pag-alis ng Senado

SA halip na mag-ingay, pinayuhan ng Malacañang si outgoing Senator Antonio Trillanes IV na harapin ang seryosong alegasyon ng pagiging mastermind at pakikipagsabwatan sa ilang politiko sa oposisyon sa umano’y planong pagpapabagsak sa Duterte administration.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na bagama’t paalis na ito sa Senado, hindi nakakasiguro si Trillanes na hindi ito makukulong dahil sa seryosong alegasyon sa kanya ni Peter Joe­mel Advincula alyas ‘Bikoy’ na utak sa narco videos para siraan si Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito.

Dalawang beses aniyang nag­labas ng black propaganda si Trillanes, una ang umano’y ma­laking bank account ng Pangulo sa bangko bago ang Presidential elections noong 2016 at ang pa­ngalawa ay ang narco videos na pawang hindi pinaniwalaan ng taumbayan.

“While many will wish Mr. Trillanes good riddance as he is about to leave the Senate, we will instead wish him luck as he faces another prospect of being placed behind bars again as the self-confessed black propagandist turns against his master,” ani Panelo.

Nabahag aniya ang buntot ni Trillanes nang idiin ni Advincula, taliwas sa naging aksyon nito nang unang lumabas ang narco videos na tuwang-tuwa pa at panay ang banat sa Presidente.

Sinabi ni Panelo na wala itong ipinagkaiba noong bagitong sundalo pa si Trillanes na naglunsad ng rebelyon subalit tumiklop agad matapos mapalibutan ng puwersa ng gobyerno na handang dumurog sa kanya at mga kasamahang Magdalo.

“History keeps repeating itself. In Mr. Trillanes’ case, first as a tragedy and second as a farce. This describes well the case of the outgoing senator,” dagdag pa ni Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na ang pinakamalaking maituturing na nagawa ni Trillanes sa bansa ay ang nakatakda nitong pag-alis sa Senado matapos ipakita ang karakter nito bilang taga-sira ng reputasyon ng mga tao, tulad ng ginawa kay dating ret. General Angelo Reyes na nagpakamatay dahil sa pambabastos at panghihiya nito na nasaksihan ng buong bansa.

“Mr. Trillanes’ greater service to the nation is his mandatory exit from the senate where he distinguished himself as a des­troyer of reputation of people,” wika pa ni Panelo. (Aileen Taliping)

The post Trillanes ipapakulong pag-alis ng Senado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *