Trillanes dumepensa sa donasyong may litrato, pangalan niya

Sinagot ni dating senador Antonio Trillanes IV ang isang umano’y DDS o Duterte Diehard Supporters tungkol sa mga pinamigay na bigas na may pangalan at larawan niya sa pakete.

The post Trillanes dumepensa sa donasyong may litrato, pangalan niya first appeared on Abante.

trillanes dumepensa sa donasyong may litrato pangalan niya - Trillanes dumepensa sa donasyong may litrato, pangalan niya
tri - Trillanes dumepensa sa donasyong may litrato, pangalan niya

Sinagot ni dating senador Antonio Trillanes IV ang isang umano’y DDS o Duterte Diehard Supporters tungkol sa mga pinamigay na bigas na may pangalan at larawan niya sa pakete.

Sa kanyang Facebook post, binahagi ni Trillanes ang naging pag-uusap nila ng naturang netizen.

“Trililing bakit ka nagbibigay ng bigas sa mga mahihirap? Eh bakit may picture at pangalan mo?” tanong daw ng naturang DDS.

“Bawal na pala gawin yun ngayon? So, gayahin ko na lang si duts na matulog na lang ako 24/7?” sagot ni Trillanes.

“Alangan namang picture ni bong go ang nakalagay dun,” dagdag ng dating senador.

“Eh, trapo moves yun,” patuloy pa ng netizen.

Paliwanag ni Trillanes, “Ang Sulong Tulong program ay proyekto ng aming grupong Magdalo para makatulong sa mga mahihirap sa panahon ng pandemya. Sinimulan ito nung April 2020 at ngayon ay nakakamahigit 100 relief operations na sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Ang pondo ay galing sa mga donasyon ng mga myembro at private donors. Ang paglagay ng pangalan at picture ay pasya ng mga myembro mismo para malaman ng mga donors kung saan napupunta ang mga donations nila.”

“Pangatlo, gusto rin ng mga myembro dahil proud sila sa programa ng grupo. Pang-apat, ito ay pruweba na hindi nang-aagaw ng relief goods ang aming grupo na nangyayari raw ngayon sa mga calamity areas. Panglima, kahit nga UN World Food Programme may tatak ng pangalan nila ang mga relief goods na binibigay nila, sinita mo ba sila? Ano, maliwanag na?” dagdag niya.

Hypothetical conversation with a DDS

DDS: Trililing bakit ka nagbibigay ng bigas sa mga mahihirap?

Me: Bawal na pala…

Posted by Antonio “Sonny” Trillanes IV on Friday, November 20, 2020

(IS)

The post Trillanes dumepensa sa donasyong may litrato, pangalan niya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *