Trike vs van: 3 patay, 8 sugatan sa Negros Occidental

OVERLOADED na tricycle ang dahilan ng pagkawala ng kontrol sa manibela na ikinasawi ng tatlong pasahero habang walo katao pa ang sugatan makaraang sumalpok sa paparating na van, kamakalawa nang hapon sa Himamaylan City, Negros Occidental.

The post Trike vs van: 3 patay, 8 sugatan sa Negros Occidental appeared first on Abante News Online.

trike vs van 3 patay 8 sugatan sa negros occidental - Trike vs van: 3 patay, 8 sugatan sa Negros Occidental
ABANTE negros 1 - Trike vs van: 3 patay, 8 sugatan sa Negros Occidental

By Vick Aquino

OVERLOADED na tricycle ang dahilan ng pagkawala ng kontrol sa manibela na ikinasawi ng tatlong pasahero habang walo katao pa ang sugatan makaraang sumalpok sa paparating na van, kamakalawa nang hapon sa Himamaylan City, Negros Occidental.

Ayon kay Police Lt. Col. Ervin Glenn Provido, hepe ng Himamay­lan Police, nasawi ang tricycle driver­ na si Kevin Jade Montaño, dalawang pasahero nito na sina Joshua Valdez, 15-anyos at Faith Joy Hontiveros, nasa hustong gulang.

Habang anim pang pasahero ng tricycle ang nasu­gatan na karamihan ay mga menor-de- edad at dalawa namang pasahero ng van na sina Danny Boy Sanny at Roy Daguia ang sugatan din sa naganap na salpukan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, overloaded ang tricycle at sinakop pa ang linya ng kabilang kalsada at sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi napansin ng driver na si Montaño ang papara­ting na van sa kabilang linya at dito na sumalpok ang tricycle sa van.

The post Trike vs van: 3 patay, 8 sugatan sa Negros Occidental appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *