Trike driver pinagsasaksak habang may sunog

Nasa malubhang kalagayan ang isang tricycle driver nang pagsasaksakin ng kanyang kagalit habang may nagaganap na sunog sa Malabon City kahapon nang madaling-araw.

The post Trike driver pinagsasaksak habang may sunog appeared first on Abante News Online.

trike driver pinagsasaksak habang may sunog - Trike driver pinagsasaksak habang may sunog
murder saksak - Trike driver pinagsasaksak habang may sunog

By Orlan Linde

Nasa malubhang kalagayan ang isang tricycle driver nang pagsasaksakin ng kanyang kagalit habang may nagaganap na sunog sa Malabon City kahapon nang madaling-araw.

Nakaratay sa Tondo Medical Center si Ramil Ramos, 52, binata, naninirahan sa No. 49-A Governor Andres St., Gabriel Subdivision ng nasabing lungsod.

Nagtamo ang biktima ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Huli sa follow-up operation ang suspek na si Jr Alcantara, 24-anyos na kapitbahay ni Ramos.

Bago ang pananaksak, nagkaroon ng sunog sa lugar kung saan kaagad na nagresponde ang mga bumbero, dakong ala-1:15 nang madaling-araw.

Isa sa mga fire volunteer ang nakakita kay Ramos na nakalugmok sa semento at duguan.

Ipinagbigay-alam ito ng mga residente sa Police Community Precinct 10 at rumesponde kaagad si P/MSg. Bobby Dela Cruz.

Sa tulong ng ilang witness, nakita daw si Alcantara na pumasok sa bahay ni Ramos, kaya ito ang naging primary suspect bukod pa sa pagkakaroon nila ng alitan.

Mabilis namang naapula ang sunog­ sa lugar at walang bahay na natupok o nasaktan.

Sabi ni P/MSg. Dela Cruz, maaring­ sinamantala ng suspek ang pagkakataranta ng mga residente dahil sa sunog, kaya nagawa nitong saksakin ang kapitbahay.

Kinasuhan ng frustrated murder si Alcantara.

The post Trike driver pinagsasaksak habang may sunog appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *