Treñas pinagiba ang putahan sa Iloilo Terminal Market

Ipinag-utos ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang pagbuwag sa ilang bahagi ng Iloilo Terminal Market na ginagamit umanong sex den.

trenas pinagiba ang putahan sa iloilo terminal market - Treñas pinagiba ang putahan sa Iloilo Terminal Market
ABANTE Jerry Treñas - Treñas pinagiba ang putahan sa Iloilo Terminal Market

Ipinag-utos ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang pagbuwag sa ilang bahagi ng Iloilo Terminal Market na ginagamit umanong sex den.

Sinabi ni Treñas na nakakaalarma ang balitang hindi lang pala mga karne ang binebenta sa nasabing terminal market kundi pati na rin ang laman ng tao.

Natuklasan ni Iloilo City Task Force on Morals and Values Formation chief Nestor Canong na ang ikalawang palapag ng public market ay ginagamit ng mga bugaw.

Sinabi ni Canong na ang mga puwesto doon ay nirerentahan ng P200 at karamihan sa mga binubugaw doon ay mga menor de edad.

“This will not happen again, I assure you. I apologize to the Ilonggos for the lapses of our personnel,” saad ni Treñas.

Idinagdag pa ng alkalde na pinakilos na niya ang mga pulis at government personnel upang masiguro na wala nang kababuyang nangyayari sa nasabing palengke. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *