Travel agency, tour operator pinayagan sa GCQ

Bagaman sa limitadong kapasidad lang, pinayagan nang mag-operate sa mga general community quarantine (GCQ) area ang mga travel agency, tour operator, reservation service, at iba pang kaugnay na negosyo simula kahapon.

The post Travel agency, tour operator pinayagan sa GCQ first appeared on Abante.

travel agency tour operator pinayagan sa gcq - Travel agency, tour operator pinayagan sa GCQ
Agency - Travel agency, tour operator pinayagan sa GCQ

Bagaman sa limitadong kapasidad lang, pinayagan nang mag-operate sa mga general community quarantine (GCQ) area ang mga travel agency, tour operator, reservation service, at iba pang kaugnay na negosyo simula kahapon.

Ito’y matapos ang pag-isyu ng Department of Trade and Industry ng Memorandum Circular 20-53 na nire-recategorize ang mga nabanggit na travel at tourism-related activity mula Category III patungong Category IV.

Dahil dito, puwede nang mag-operate ang mga recategorized activity nang hanggang 50 percent capacity sa mga GCQ area, gaya ng Metro Manila.

Samantala, 100 percent operational capacity naman ang puwede sa mga travel agency, tour operator, reservation service, at iba pa sa mga modified GCQ o MGCQ area.

Pinaalala naman ng DTI sa mga nabanggit na negosyo na panatilihin ang minimum public health standards sa kanilang balik-operasyon. (SDC)

The post Travel agency, tour operator pinayagan sa GCQ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *